Wednesday, September 23, 2009

Pinagmulan ng Pangalan

Ang pangalang Cebu ay nakuha galing sa salitang “Sugbo” na ibig sabihin ay “maglakad sa tubig”,inilarawan nito ang mga mangangalakal na dumadayo dito na sakay ay barko o sasakyang pang dagat lamang.

Ang Kasaysayan ng Cebu

Cebu, o ang tinaguriang “Queen City of the South”, nagbibigay alaala na ikaiinteresan ng mga tao. Ito ay nagsimula sa isang tahimik na bayang pangisdaan noong 1521. Dumating si Magellan dito at naglagay ng Krus na gawa ng kahoy, ito ay nagging unang symobolo ng Kristianismo sa Cebu. Ang binangit na Krus ay matatagpuan ngayon sa Magallanes, isang kalye na pinangalan galing kay Fernando de Magallanes.

Noong April 3, 1898, si General Leon Kilat ng Bacong, Negros Oriental, ay nagsagawa ng rebolusyon laban sa mga Spanish colonialism. Ang mga Espanyol ay nagplanog magtayo ng matitirahan para sa kanila. Si Miguel Lopez de Legazpi ang nagpilit na magtayo ng fort, ngayon ay pinaka kilala dahil sa liit at ito ang pinaka matandand fort sa bansa, ang Fort San Pedro.

Subalit , noong December 1898, natalo ng mga Americano ang mga Espanyol sa digmaan sa Manila Bay. At napunta ang fort sa mga kamay ng ninunong Cebuano. Kasama ang Americano noong 1901, ang Senate Pro Tempore, ang dating President Sergio Osmena Sr. at ang Congressman at majority floor leader ng House of Representatives, dating Senate Manuel Briones ay nagkilos para sa Philippine Independence.

Noong April 1965, ang mga Cebuanos ay nakatutok sa Kristianismo, Sina Don Legaspi and Fray Urdaneta ang nagutos na itayo ang San Augustine Church, na ngayon ay tinatawag na Basilica Minore del Santo Nino, alang-alang sa unag imahe ni SeƱior Santo Nino.